só•da wá•ter : tubig na ma-bulâ dahil sa halòng carbon dioxide at maaaring inumin nang walang halò o may alak
water meter (wá•ter mí•ter) : kasangkapang pansukat at panrekord sa tubig na nagamit ng isang bahay, gusali, at katulad
water line (wá•ter layn) : guhit na nakapalibot sa gilid ng sasakyang pantubig at tinatamaan ng tubig na nagsisilbing pananda sa bigat ng kargamento
water supply (wá•ter sup•láy) : ang probisyon at pag-iimbak ng tubig, o ang halaga ng tubig na inimbak, para sa paggamit ng isang bahay, bayan, at katulad
water lettuce (wá•ter lé•tis) : nakalutang na halámang akwatiko (Pistia stratiotes), may mga dahong tíla bulaklak, at ang mga bulaklak ay maliit, lungtian, at nakatago sa mga dahon
wá•ter pó•lo : pangkatang laro ng mga manlalangoy, na nag-uunahang maibuslo ang bola sa goal ng kalaban